Dear Blog

Bog#1

Hi Blog!!

Ang weird noh, nagsasabi ng "Hi". Pero siguro ito ung magiging unang post ko na tagalog. Hahaha

Wala lang, siguro kaya ko ginagawa ito kasi nararamdaman ko na wala naman makakaintindi ng mga sasabihin ko dito. Kaya okay lang pero nakakalungkot lang kasi ang mga bagay na nangyayari ngaun sa mundo. Mas lalo na sa bansa namin, uhmmm. . . Alam ko naman hindi lang sa bansa namin sa buong mundo pero kung titingnan natin ang hirap din pala ng ganitong situwasyon. Kaya siguro may mga tao nadedepress. Ewan ko ba kung nadedepress na din ako o siguro na dadala lng ako sa mga nangyare na ito. Pero hindi ko din alam kung bakit ko siya sinasabi dito. Siguro naghahanap lang ako ng pwedeng masabihan kaya naisip ko sabihin o ipost dito. Hahaha

Pero naiisip ko lang na hindi nman dapat ako malungkot kasi andyan naman pamilya ko pero bakit pakiramdam ko mag-isa ako. . . At pakiramdam ko hindi na ako masaya. Tapos alam mo ung pakiramdam na gusto mong umiyak pero hindi mo magawa. Tpos minsan natawa na lang ako pero pakiramdam ko kailangan ko na lang gawin. Ewan ko ba, parang baliw lng. . . Masakit lang sa dibdib kapag naiisip ko medyo mabigat lng sa pakiramdam. Baka nga na babaliw na lang ako. Hahaha

Siguro hanggng dito muna medyo mahaba n ata itong sinasabi ko. Hanggang sa susunod. ^_^

Comments

Blog#2

Hello!! Kamusta ka na? Medyo hindi na ako naka pagsulat dahil naging abala ako sa aking trabaho. Pero ganun pa man hindi nagbago ang aking nararamdaman. Pilit inaalam ang aking kalungkutan, tila araw araw ang tanong sa aking sarili kung anu ba ang aking problema. Isang araw may nakausap ako at sinabing depresyon daw aking nararamdaman. Biglang tanong ko sa aking sarili, tama ba siya? O sadyang nadadala nangyayare sa aming bansa. Naalala ko tuloy nung isang araw habang ako'y naliligo, naisipan kong magpatugtog ng musika sa banyo at hindi ko inaasahan bigla na lang akong napaluha nung tumogtog ang kantang "Empire State of Mind". Hindi ko rin akalain pero derederetsong tumutulo ang luha ko at pakiramdam ko'y napaka lungkot ko. Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang buhos naman ng tubig sa shower.

Pinigilan ko ang sarili na umiyak pero tuloy pa din ang agos ng luha ko. Hindi ko man maintindihan ang nararamdaman ko at sabay isip na, naiiyak ba talaga ako sa kanta o ito ung kalungkutan na hindi ko mailabas?

Pilit ko iyong iniisip hanggang matapos ang kanta. Tila ambon ang pagpatak ng luha ko sa king mata hanggang matapos ang kanta. Hindi ko mawari bakit ganun ang naging pakiramdam ko pero sa ibang kanta ay hindi naman ganun ang aking naging reaksyon. Nung natapos nman ako maligo, medyo gumaan kahit papaano ang aking nararamdaman.

Ito na kaya ang isa sa mga senyales ng depresyon?

Hanggang sa muli. . .
 
Last edited:
Blog #3

Hello, ito n nman ako na nagbabalik. Hindi ko na naman mawari ang nararamdaman ko. Nagagalit b ako o nalulungkot? Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Gusto ko umiyak pero hindi ko magawa at gusto ko sumigaw pero may pumigil sa loob ko.

Akala ko nawala na itong ganito pakiramdam ko pero pilit ito bumabalik. Hindi ko alam kung bakit ako ganito hindi kaya dahil may mga gumugulo sa aking isipan at hindi ko alam ang aking gagawin. O tama ba sila, isa ba ito sa mga depresyon na aking nararamdaman.

Ayoko ng ganitong pakiramdam kaya pilit ko itong inaalis. Anu ba ang dapat kong gawin?
 
Blog # 4

Musta ka na? Ang tagal ko na ding hindi ka kinakamusta. Ako, ito masakit ang ulo ko ngayon at malungkot. Walang katapusan na problema, lagi na lang ganito at nakasasawa na. Sabi nila hindi naman ibibigay ang isang problema kung hindi mo kayang lagpasan pero minsan kasi parang pakiramdam mo na hindi mo na kaya pero ipinipilit mo na lang na kayanin kasi kailangan. Ung gusto mong sumuko pero hindi pwede. Tapos pakiramdam mo na sasabog ka na anytime pero kailangan mo paring maging matatag.

Bumabalik na naman ung ganito kong pakiramdam. Naginging malungkot na naman ako. Tapos ung gusto mong lumuha pero wala ng nalabas...
Alam ko hindi tama ito, at sabihin dito pero gusto ko lang masabi kong anu nararamdaman ko. Parang tanga lang... Hahahahaha
May nagsabi n "baliw ka", sana nga baliw na lang ako pra hindi ganito pakiramdam ko. O siya humahaba na naman ito. Hanggang sa muli. Paalam muna ngayon.

Ingat palagi.
 
Last edited:
Blog #5

Muling nagbabalik, pagkatapos ko basahin ang mga salitang isinulat ko dito. Ngayon ko lang na pagtanto na minsan okay din pala mag-sulat ng mga bagay na nararamdaman mo at balikan ang mga pangyayare. Hindi ko maware na isinulat ko ang mga bagay na iyon. Pero nagpapasalamat ako at nailabas ko siya, at napagdaanan ko ito ng maayos.

Kung tatanungin mo ako, alam kong okay na ako sa aking sarili pero may mga bagay na nagpapa alala sa akin sa mga ganun bagay pero ipinipilit ko maging masaya dahil hindi ako nag-iisa dahil nandyan ang aking pamilya.

Kung tutuusin hindi ko dapat sinasalo lahat pero may mga bagay na pinilit ko parin iniisip sa akin sarili.

Okay ako ngayon at sana maging maayos pa sa susunod na araw. Salamat ulit, at hanggang sa muli.
 

Blog entry information

Author
_mc27
Read time
1 min read
Views
422
Comments
4
Last update

More entries in General

More entries from _mc27

Share this entry